‘Umalis na kayo’: Lorenzana, pinapaalis ang mga barko ng China sa West PH Sea

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Defense Secretary Delfin Lorenzana

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi siya maloloko ng China sa pagdadahilan nito na ang pananatili ng mga barko nito sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea ay dahil sa masamang panahon.

Sa inilabas na pahayag noong Sabado, sinabihan ng kalihim si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mayroon siyang “a lot of explaining to do” hinggil sa 44 Chinese vessels na naka-angkla sa Julian Felipe Reef nang halos dalawang linggo na simula nang paalisin ng pamahalaan.

Ang Julian Felipe, na kilala rin bilang Whitsun Reef, ay isang mababaw na coral reef malapit sa Bataraza sa Palawan na pasok sa exclusive economic zone ng bansa.

Iniulat ng National Task Force for the West Philippine Sea noong Marso 20 ang presensya ng higit 200 Chinese vessels sa lugar. Ayon sa gobyerno ng China, naroon lamang ang mga sasakyang pandagat dahil sa “rough sea conditions,” subalit ipinapakita ng aerial at maritime patrols ngayong linggo na naroon pa rin ang 44 barko, at higit 200 ang nasa iba’t-ibang reefs sa Kalayaan Island Group, na bahagi ng Palawan Province.

“I am no fool,” diin ni Lorenzana.

 “The weather has been good so far, so they have no other reason to stay there.”

“These vessels should be on their way out. Umalis na kayo diyan.”

Samantala, naghain naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) noong Marso 21 ng diplomatic protest laban sa China upang agarang paalisin ang mga naturang barko.

Ayon naman kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana noong nakaraang linggo, tiniyak umano ng Beijing na pansamantala lamang ang pananatili ng mga barko nito sa Julian Felipe Reef.

LATEST

LATEST

TRENDING