PH, nakapagtala ng pinakamaraming Covid-19 recoveries sa 1 araw; 11k new Covid-19 cases, naitala rin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Nakapagtala ang Pilipinas ng 11,028 na mga bagong kaso ng Covid-19 noong Linggo para sa kabuuang 795,051 cases sa bansa. Ito na ang ikatlong araw na pumalo sa higit 10,000 ang naitatalang kaso sa isang araw.

Samantala, iniulat naman ng Department of Health (DOH) na 41,205 ang bagong recoveries mula sa nakamamatay, ang pinakamataas simula noong mag-umpisa ang pandemiya, para sa kabuuang 646,100 recoveries. 

Nangangahulugan itong mayroong 135,526 active Covid-19 cases sa bansa as of 4 P.M. noong Linggo.

Samantala, dalawa naman ang mga bagong nasawi para sa kabuuang 13,425 deaths.

Subalit, hindi kabilang sa tala noong Linggo ang datos mula sa 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite sa oras.

LATEST

LATEST

TRENDING