PhilHealth, idinidiing hindi ninakaw ang kontrobersyal na P15 bilyong pondo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Sabado na 98% ng P15 bilyong pondo nito na umano’y nawala dahil sa kurapsyon ang liquidated na.

Sa inilabas na pahayag sa Facebook page nito, sinabi ng ahensya na P14.7 bilyon ng mga kontrobersyal na pondo ang na-liquidate na, habang idinidiing hindi ninakaw ng mga dati nitong opisyal ang naturang pondo.

Aniya, “Properly accounted po ito… Pinakinabangan ito ng mga pasyente at hindi ng bulsa ng sinoman.”

Ayon sa ahensya, inilaan ang nasabing pondo sa 711 na mga ospital sa ilalim ng interim reimbursement mechanism, isang sistema kung saan nagbibigay ng advanced payment ang PhilHealth para sa insurance claims.

Gayunpaman, kinuwestyon pa rin ng dalawang mambabatas ang tindig ni PhilHealth president Dante Gierran tungkol sa liquidation isyu. Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ang “liquidated” funds ay hindi nangangahulugang legally disbursed ang mga ito simula noong umpisa.

“If public funds were spent not for Covid-19 as required under the IRM (interim reimbursement scheme), but for dialysis centers and infirmaries which are clearly not authorized, it can still be declared as liquidated, but it doesn’t mean that funds were legally disbursed,” wika ni Lacson.

Ayon naman kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate, ang naturang liquidation ay hindi “makapagbubura” sa pagiging maanomalya ng pondo. Nanawagan din ito sa Commission on Audit (COA) na maglunsad ng special audit tungkol sa isyu.

LATEST

LATEST

TRENDING