OCTA: Covid-19 bed occupancy sa NCR, posibleng higit 70% sa dulo ng Abril

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Michael Varcas (The Philippine STAR)

Posible pa ring nasa higit 70% hanggang sa dulo ng buwan ang Covid-19 bed occupancy rate sa Metro Manila kahit na pinalawig nang isa pang linggo ang lockdown sa NCR Plus, ayon sa isang OCTA Research fellow.

“Because the R (reproduction number) is above 1 in our assumptions, what we expect is that the hospital occupancy will remain above 70% for the rest of April,” ani Fr. Nicanor Austriaco sa isang briefing noong Sabado. Ang mas mababang reproduction number ay nangangahulugang mas konting tao ang nahahawa sa coronavirus matapos ma-expose sa isang Covid-19 patient.

Ang naturang projection ay nakabase sa scenario na palalawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus hanggang Abril 11. Ito rin ay nakabatay sa datos na mananatili ang isang Covid-19 patient sa ospital sa loob ng 27 raw, ayon sa datos mula sa Philippine General Hospital.

Sinabi naman ni OCTA fellow Dr. Guido David sa parehong briefing na kasalukuyang nasa 1.65 ang reproduction number sa Metro Manila, ang sentro ng pandemiya sa Pilipinas. Posible itong bumaba sa 1.33 isang linggo mula ngayon at pumalo nang 1.09 sa Abril 16 kung palalawigin ang ECQ nang pitong araw.

Ayon naman kay Austriaco, ang reproduction number ay dapat bumaba nang mas maliit sa 1 sa loob ng ilang linggo upang mapababa ang bed utilization rates.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) noong Abril 1, 6,165 o 67% ng 9,200 beds para sa Covid-19 patients sa mga ospital sa National Capital Region (NCR) ang okupado na. Sa kabuuan, 813 ang critical care beds. Subalit, higit 636 o 78% ng mga ICU beds na ito ang gamit na. Samantala, higit 71% o 3,329 mula sa 4,666 isolation beds ang okupado na.

Nasa 51 ospital na rin sa Metro Manila ang umabot na sa “critical” level kung saan mahigit 85% ng kanilang Covid-19 beds ang okupado na.

Upang tugunan ang isyu, pinapabilis ng DOH, World Health Organization, at UNICEF ang delivery ng modular tents sa mga ospital sa Metro Manila.

Walong pasilidad din ang nag-request para sa karagdagang modular tents. Ito ay ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala), Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Tondo Medical Center, National Center for Mental Health, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, at San Lazaro Hospital.

LATEST

LATEST