Mga senador, hinikayat ang PhilHealth na bigyan ng coverage ang Covid-19 patients sa hospital tents

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Ezra Acayan (Getty Images)

Hinikayat ng ilang senador noong Sabado ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na ipabilang sa Covid-19 coverage nito ang mga pasyenteng na-confine sa hospital tents habang patuloy na napupuno ang health care facilities sa Metro Manila dahil sa paglobo ng Covid-19 cases.

Idiniin ng mga senador na sina Nancy Binay, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Grace Poe, Joel Villanueva, at Juan Miguel Zubiri na dapat magkaroon ng access sa health care services ang mga Pilipino sa ilalim ng Universal Health Care Act of 2019 o Republic Act No. 11223 kasabay ng mga naiuulat na Covid-19 patients na nasa mga tents.

Kabilang dito ang health at service benefits mula sa PhilHealth tulad ng emergency at comprehensive outpatient services, ayon sa mga mambabatas. 

“In a pandemic environment, PhilHealth has a social and moral obligation to serve the needs of its members. It plays a major role in implementing the UHC law and its services are crucially important,” pahayag ng mga senador.

“We… urge PhilHealth President Dante Gierran to come up with a standard policy and guidelines to cover patients staying in hospital tents while waiting for admission,” dagdag pa ng mga mambabatas. 

Tinuligsa rin ng mga senador ang PhilHealth dahil sa hindi pagtugon sa sitwasyon ng pandemiya na halos pabagsakin na ang sistemang pangkalusugan sa bansa.

Gayunpaman, kinilala noong Biyernes ng PhilHealth ang kasalukuyang sitwasyon na hindi niya kayang i-admit ng mga ospital ang mga may sakit sa regular na hospital beds.

Ang mga medical facilities na umano’y naniningil ng P1,000 kada oras sa mga pasyente sa tents ay paiimbestigahan para sa posibleng paglabag sa batas.

LATEST

LATEST

TRENDING