ECQ, iiral nang isa pang linggo sa NCR Plus

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Ezra Acayan (Getty Images)

Mananatili ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) nang isa pang linggo habang patuloy na tumataas ang bilang ng Covid-19 cases, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Sabado.

Ito ay matapos imungkahi ng Department of Health, ilang alkalde, at ng independent research group na OCTA Research ang pagpapalawig ng lockdown upang masugpo ang pagsipa ng Covid-19 cases.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na “hindi sapat” ang isang linggong lockdown upang mabawasan ang pagdami ng mga kaso sa mga ospital.

Ayon naman kay Roque, ang pagpapalawig ng ECQ ay “absolute last resort” para sa pamahalaan.

Noong Sabado, 12,576 na mga bagong kaso ng Covid-19 ang naitala sa bansa. Noong Biyernes, naitala naman ang pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases sa isang araw sa 15,310, kung saan 3,709 ang backlogs mula noong Marso 31.

Nasa 165,715 naman ang bilang ng aktibong mga kaso sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING