DOF, ilalabas ang badyet para sa ayuda ng NCR Plus sa Abril 5

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Ezra Acayan (Getty Images)

Ang ₱22.9 bilyong emergency subsidy budget para sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble ay ida-download sa mga pagbibigyang local governments units (LGUs) sa Lunes, Abril 5, ayon sa Finance Department.

Magbebenepisyo mula sa sabsidiya ang mga residente ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na isinailalim sa pinakamahigpit na uri ng lockdown hanggang Linggo upang masugpo ang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases.

“The quick release was made possible only because [Budget] Sec. Wendell Avisado signed the SARO and NCA last Tuesday morning (March 29) & because the DOF & Bureau of Treasury had prepared funds in anticipation of this eventuality,” ani Finance Secretary Sonny Dominguez noong Biyernes.

Subalit, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nakipagpulong umano ang Metro Manila Council sa Budget Department noong Martes at nangakong ida-download ang pondo sa Miyerkules.

Inanunsyo rin ng Social Welfare Department noong Miyerkules na maglalabas ito ng listahan ng mga indibidwal sa LGUs upang maging batayan sa pamamahagi ng ayuda.

Base sa memorandum ng Budget Department, ang bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng ₱1,000-₱4,000 na cash o in-kind assistance.

LATEST

LATEST

TRENDING