PNP, inatasang imbestigahan ang mga anomalya sa distribusyon ng ayuda sa ECQ areas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Huwebes ang kapulisan na imbestigahan ang mga posibleng pagkaantala at reklamo sa nalalapit na distribusyon ng pera o in-kind assistance sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa ahensya, isang memorandum circular ang ibinigay sa mga alkalde sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna sa paraan ng pamamahagi ng ayuda na nagkakahalaga ng P22.9 bilyon para sa mga low-income residents na naapektuhan ng isang linggong lockdown dahil sa surge ng Covid-19 cases.

Ang lahat ng local government units (LGUs) ay kinakailangang mag-isyu ng executive order pagkatapos matukoy ang pinakaepektibo at episyenteng paraan sa paglalabas ng ayuda. Matapos matanggap ang badyet sa national government, dapat i-distribute ang cash aid na P1000 sa loob ng 15 days o sa loob ng 30 days kung in-kind. Kailangan ding magpaskil ng listahan ng mga benepisyaryo bago ang aktwal na distribusyon.

Gagawa rin ang ahensya ng isang Joint Monitoring and Inspection Team (JMIT) sa bawat LGU upang tugunan ang mga reklamo hinggil sa distribusyon. Dapat agarang imbestigahan ng PNP at magsagawa ng case build-up sa reported cases ng anomalya, iregularidad, o graft and corruption.

LATEST

LATEST

TRENDING