Vaccine manufacturers, ‘di magbebenta sa pribadong sektor kung walang indemnification: PRRD adviser

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hindi direktang makabibili ang pribadong sektor ng Covid-19 vaccines sapagkat humihingi umano ang vaccine manufacturers ng indemnification deal na tanging gobyerno lamang ang makapagbibigay, pahayag ng isang adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules.

Unang inihayag ni Duterte na pinapahintulutan niya ang pribadong sektor na bumili ng bakuna kontra Covid-19 para sa kanilang mga empleyado.

“Akala ng mga tao mahigpit …nagform kami ng tripartite agreement kasi ang pharmaceutical company di naman magbebenta samin kung wala silang indemnification di naman makakapagbigay ang private companies ng indemnification,” ani Presidential special adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.

“Bawal magbayad ang government ng deposit kung walang FDA approval. Ginawa namin, nagreserve kami maski wala pang approval ang AstraZeneca sa EU. We got the allocation kaya dadating ng mas maaga ngayong May at June,” dagdag pa ni Concepcion.

Isang grupo ng mga pribadong kumpanya, sa pangunguna ni Concepcion sa isang tripartite agreement sa pamhalaan at AstraZeneca, ang nakabili ng 17 milyong doses ng Covid-19 vaccine. Kalahti rito ang ibibigay sa gobyerno.

LATEST

LATEST

TRENDING