DILG: I-report ang mga ‘epal’ na mayor sa pagbibigay ng ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Asian Development Bank

Dapat i-report ng publiko sa kinauukulan ang mga lokal na opisyal na ginagamit ang Covid-19 assistance ng gobyerno upang mangampanya para sa susunod na halalan, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Miyerkules.

Ang mga low-income families sa NCR Plus bubble ay makatatanggap ng maximum na P4,000 na halaga ng ayuda bunsod ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

“Di natin maiiwasan iyan. Talagang magagamit iyan sa election. Given po iyan. Magagamit po sa election, di na po namin iyan makocontrol sa baba, ang importante dumating ito sa tao,” sabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing.

“Just the same, i-report pa rin nila sa amin kasi meron na kaming decision mula sa Ombudsman na ang umepal na mayor ay nasuspinde,” dagdag pa ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING