Galvez: PH, sinisikap makakuha ng 3M doses ng Sputnik V Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Kasalukuyang nakikipag-negosasyon ang pamahalaan upang makabili ng tatlong milyong doses ng Sputnik V vaccine na gawa sa Russia.

Ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr., nangako umano ang Gamaleya Research Institute ng Russia ng 100,000 doses ng bakuna, subalit pinag-uusapan umano ang posibleng pagpapataas sa bilang na ito.

“Sa ngayon po, nag-usap po kami ni Secretary Locsin at Usec. Dodo Dulay na kakausapin po nila si Prime Minister Lavrov at titignan po nila kung maiangat po nila ng three million,” ani Galvez noong Lunes.

Unang sinabi ng Galvez na ang unang layunin nila ay kumalap ng dalawang milyong doses. Subalit, tinaasahan ito nang iulat na posibleng magamit ang bakuna sa pagbabakuna ng senior citizens.

LATEST

LATEST

TRENDING