DOH, inirekomenda ang ECQ extension para sa NCR at 4 karatig lalawigan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagbabalak ang Department of Health (DOH) na i-extend ang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) nang isa pang linggo sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan.

“Extension for another week was recommended but nothing is final and IATF (Inter-Agency Task Force) works in a whole of government approach,” pahayag ng DOH noong Martes.

Sinabi naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tatalakayin ng IATF ang posibleng isang linggong extension bago ang Abril 4, ang itinakdang pagtatapos ng ECQ.

Aniya, “We start to assess before April 4.”

Nag-umpisang umiral ang ECQ sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan simula noong Lunes. Iginiit ni Vergeire na hindi nila inaalis ang posibilidad na pag-extend sa ECQ sapagkat “hindi sapat” ang isang linggong lockdown upang makita ang pagbagsak sa Covid-19 cases at hospital admissions.

“One week is really not enough. Usually, the ideal for us would be about two weeks. We have to understand that even after one week of this strict lockdown, we really cannot see any change in the numbers, or any change in the healthcare utilization [rate] because that is just a short time,” paliwanag ng opisyal.

“Our doors are not closed [to] this extension of ECQ if we see that the hospitals cannot still manage the number of cases,” dagdag pa ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING