Roque, binanatan ang mga bumabatikos na ‘utak talangka’ sa Covid-19 response ng gobyerno

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ang Metro Manila at mga karatig lalawigan ay muling isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) makalipas ang isang taon simula noong una itong ipatupad. Subalit, bagama’t binabatikos ang gobyerno hinggil sa Covid-19 response, sinisi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga “utak talangka.”

Sa kanyang press brieifing, iginiit ni Roque na hindi nakokontrol ang nararanasang pagkalat ng bagong coronavirus variants, kung saan talamak din umano ito sa ibang bansa.

Aniya, “Huwag niyo po kalilimutan mga kababayan, huwag po kayo makinig sa mga utak talangka na iyan. Buong mundo po may problema sa new variants.” 

“Hindi po tayo nag-iisa,” dagdag pa nito.

Unang sinabi ni Roque sa nagdaang press briefings na “excellent” ang ginagawang pandemic response ng gobyerno, bagama’t nakapagtatala ang bansa ng bagong record-high cases noong nakaraang linggo.

Kasalukuyang nasa ECQ hanggang Abril 4 ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal. Ayon kay Roque, hindi pa nagpapasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) tungkol sa posibleng extension ng ECQ, kung saan nakadepende umano ito sa bilang ng mga kasong maitatala pagkatapos ng Abril 4.

LATEST

LATEST

TRENDING