Metro Manila, nag-umpisa nang magbakuna ng senior citizens vs. Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Isko Moreno Domagoso Facebook Page

Hindi bababa sa dalawang lungsod sa Metro Manila ang nag-umpisa nang magbakuna ng kanilang mga senior citizens laban sa Covid-19 kasabay nang pagpapatupad ng lockdown upang masugpo ang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases.

Sa Lungsod ng Maynila, tinatayang nasa 1,585 seniors ang nabakunahan sa 12 vaccine sites as of 10 a.m. noong Lunes, ayon sa public information office ng siyudad.

Nasa 2,380 senior citizens umano ang nag-pre-register sa manilacovid19vaccine.com. Puwede rin aniya ang “walk-in” applicants, ayon naman kay Manila Mayor Isko Moreno.

Aniya, “‘Yung may mga lolo at lola, tulungan ninyo silang mag-register online.”

Sa Navotas, nasa 2000 seniors ang inaasahang nakatanggap ng bakuna noong Lunes habang 200 naman ang naka-schedule sa Martes, habang ang mga may comorbidities na edad 18-54 ang inaasahang makatatanggap ng bakuna sa Miyerkules, ayon kay Dr. Christia Padolina ng City Health Office.

Magpapatuloy ang vaccination sa Good Friday, kung saan makatatanggap ng ikalawang dose ang medical frontliners, dagdag pa ni Padolina. 

LATEST

LATEST

TRENDING