Duterte, naging ‘palabiro’ lamang sa umano’y ‘panghihipo’ sa viral video

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Muling binatikos si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtatangkang “paghipo” umano sa isa niyang kasambahay nang ipagdiwang ang ika-76 nitong kaarawan.

Kumalat sa social media ang mga larawan at video ng 76th birthday celebration ni Duterte noong Linggo. Umani ng pambabatikos mula sa netizens ang isang video kung saan makikitang nagtatangka ang Pangulo na hipuan ang ari ng kanyang kasambahay na nag-aabot ng birthday cake.

Sa isang thirty-second video, napapaligiran ang Pangulo ng dalawang babaeng kumakanta ng “happy birthday” habang hinihipan nito ang kandilang nakatirik sa kanin. Isang babae naman ang lumapit kinalaunan upang mag-abot ng birthday cake kay Duterte. Habang lumapit ito, pabirong sinubukan ng Pangulo na hawakan ang ari ng nasabing babae subalit umilag ito.

Dinipensahan naman ng Malacañang ang nasabing viral video at iginiit na nagiging “palabiro” lamang si Duterte.

“Ano pa bang gusto niyong selebrasyon ng isang nakaupong presidente? Ang tanging nandoon lang sa selebrasyon, immediate members of the family, mga kasambahay,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing.

“‘Yung sinasabing panghihipo, matagal na niyang kasambahay yun eh. Alam mo naman, talagang palabiro ang ating Presidente pero walang malisya yun,” dagdag pa ni Roque.

Sinabi rin ni Roque na kung na-offend ang naturang babae, dapat itong magsampa ng reklamo.

LATEST

LATEST

TRENDING