DOH: Active Covid-19 cases, posibleng umabot ng 430k sa Abril kung walang ECQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Kung hindi ipinatupad ang pinakamahigpit na antas ng community quarantine sa Metro Manila at mga karatig lalawigan, posibleng makapagtala ang Pilipinas ng 430,000 active cases sa dulo ng Abril, pahayag ng Department of Health (DOH) noong Lunes.

“Sabi nila kung hindi tayo magbibigay ng immediate and harder measures we will see 430,000 cases by the end of April nationally and 350,000 cases in NCR alone by the end of April,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing, kung saan tinutukoy nito ang Covid-19 projections ng mga eksperto sa ilalim ng programang Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler (FASSSTER).

“So this ECQ aims to slow down the surge of cases, stop the spread of the variants, allow the health system to recover and of course to protect more lives,” dagdag pa ni Vergeire.

Ayon sa opisyal, ang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ tulad ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, at Rizal ay nasa “critical risk” habang ang Laguna naman ay “high risk” base sa 2-week growth rate at sa average daily attack rate ng Covid-19 infections.

Ang health care utilization rate para sa NCR ay nasa 63% na habang ang Calabarzon ay nasa 58% naman. Nangangahulugan itong higit kalahati na ng mga higaan at machines na inilaan para sa Covid-19 patients ang okupado na.

“But what would be most worrisome is our ICU utilization rates. If you look at the different areas affected or included in this NCR Plus Bubble, you would find utilization ranging 70 to 100% for their ICU beds,” dagdag pa ni Vergeire.

Gayunpaman, bagama’t mataas ang hospitalization rates, 41% ng admissions umano ang asymptomatic at mild cases.

Kaya naman, ito aniya ang dahilan kung bakit dapat maging unang responders ang barangay health workers upang ang mga ma-admit sa ospital ay ang mga nangangailangan talaga ng tulong, habang ang iba naman ay ipadadala sa temporary quarantine facilities. 

Kinilala rin ni Vergeire ang presensya ng mga mas nakahahawang variants, kung saan nakatutulong umano ito sa mabilis na paglaganap ng virus. Subalit, mapipigilan umano ito kung susundin ng mga tao ang minimum health protocols.

Kasalukuyang nasa ECQ hanggang Abril 4 ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

LATEST

LATEST

TRENDING