Sotto: Posibleng magkaroon ng ‘merger’ sa Covid-19 stimulus bills

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate President Vicente Sotto III

Posible umanong magkaroon ng malaking stimulus package na mula sa pinag-isang bersyon ng Kamara at Senado na layong ibangon ang ekonomiya ng bansa, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

“Siguro mga four or five major provisions sa bills, ‘yung Bayanihan 3 at ang Expanded Stimulus Package ni Senator (Manny) Pacquiao na finile on behalf of the senate ay halos nagkakapareho,” ani Sotto sa isang virtual briefing noong Linggo.

Ayon kay Sotto, ang parehong bills ay may probisyon kabilang ang “social amelioration to impacted households, capacity building for impacted sectors, and wage subsidies.”

“Hindi nakakapagtaka kung magkakaroon ng merger noong Bayanihan 3 at ng Expanded Senate Stimulus Package,” dagdag pa ng Senate President.

Inihain naman ni Pacquiao ang Senate Bill no. 2123, na layong maglaan ng ₱335-bilyong expanded stimulus package para sa Covid-19 response.

Sa Kamara naman, ang ₱420-bilyong Bayanihan to Arise As One Act ay inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco kasama si Marikina City 2nd District Representative Stella Luz Quimbo noong nakaraang buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING