PH, nakapagtala ng higit 9,000 new Covid-19 cases sa tatlong magkakasunod na araw

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: AFP

Nakapagtala ang Pilipinas ng 9,475 new cases ng Covid-19 noong Linggo para sa kabuang bilang na on 721,892 cases sa bansa.

Ito ang ikatlong araw na sunud-sunod na nakapagtala ang bansa ng higit 9,000 new cases.

Samantala, iniulat din ng Department of Health (DOH) ang 22,000 new recoveries para sa kabuuang bilang na 603,154. Ito ang ikalimang pinakamataas na bilang ng recoveries simula nang manalasa ang pandemiya.

11 naman ang mga bagong nasawi para sa kabuuang bilang na 13,170 Covid-19 deaths.

Ayon sa isang health expert, posibleng mabawasan ng Pilipinas ang bilang ng Covid-19 cases nito kung paiigtingin nito ang vaccination effort “nang walang pahinga sa loob ng tatlong buwan.”

Gayunpaman, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa nakabibili ang pamahalaan ng anumang bakuna mula sa foreign drugmakers.

LATEST

LATEST

TRENDING