Gobyerno, handang mamigay ng ayuda sa mga apektadong manggagawa sa NCR plus: DOLE

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Labor Secretary Silvestre Bello III

Nakahanda umanonng mamahagi ng ayudang pinansyal ang pamahalaan para sa mga apektadong manggagawa sa loob ng NCR plus bubble sa loob ng isang linggo nitong implementasyon, giit ni Labor Secretary Silvestre Bello III noong Linggo.

Ang NCR Plus bubble, na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal, ay isasailalim sa enhanced community quarantine mula Lunes hanggang Linggo upang mabawasan ang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases.

“We are prepared anyway to provide cash assistance sa ating displaced workers, especially yung nasa formal employment, and of course yung ating OFWs,” ani Bello.

“For the formal workers, we will rely on employers who will submit to us mga pangalan ng workers nila na na-displace,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon kay Bello, nasa 71,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho sa unang dalawang buwan ng taon dahil sa retrenchment at pagsasara ng lugar na pinagtatrabahuhan.

“Hopefully, with this one-week lockdown, medyo maiwas-iwasan natin yung unemployment result nitong matinding health protocols,” sabi ni Bello.

Ang mga formal workers ay makakukuha ng one-time na P5,000 cash aid kung sila ay apektado, habang ang overseas Filipino workers ay makakukuha ng P10,000, at ang informal workers naman ay iha-hire para sa maximum na 10 days sa ilalim ng minimum wage, ayon kay Bello.

Ang mga essential workers ay papayagang mag-commute sa oras ng curfew.

“Allowed naman yung pagbiyahe nila, ipakita lang sa checkpoint ito galing sila sa trabaho,” giit ni Bello.

LATEST

LATEST

TRENDING