Pulse Asia: 94% ng mga Pinoy, nangangambang mahawa sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Halos lahat ng adultong Pilipino ang nangangamba na baka mahawa sila sa Covid-19, ayon sa isang Pulse Asia survey na isinagawa noong Pebrero. Subalit, mayorya sa mga ito ang ayaw magpabakuna laban sa nakamamatay na sakit dahil sa agam-agam tungkol sa kaligtasan.

Inihayag ng Pulse Asia noong Biyernes na nagsagawa ito ng survey mula Pebrero 22 hanggang Marso 3, kung saan 2,400 adults ang tinanong kung ano ang masasabi nila sa sitwasyon ng Covid-19 sa bansa. 94% sa mga ito ang natatakot na baka mahawa sila o kanilang pamilya sa Covid-19. Sa panahong ito, nakapagtatala pa ang bansa ng hindi tataas sa 3,000 new cases kada araw kung saan nalalapit sa 600,000 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

Ayon sa pollster, higit 90% ng interviewees mula sa lahat ng lugar, maliban sa Mindanao na mayroong 89%, ang nababahala tungkol sa Covid-19. Ang iba naman ay hindi nangangamba o di kaya ay hindi tiyak kung nababahala sila o hindi.

Napag-alaman din sa naturang survey na 61% o anim sa bawat 10 Filipino adults ang ayaw magpabakuna kontra Covid-19. 16% lamang ang sang-ayon magpaturok ng bakuna habang 23% naman ang hindi sigurado.

LATEST

LATEST

TRENDING