ECQ, iiral sa NCR plus simula Lunes hanggang Abril 4

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim ng mga lugar sa loob ng NCR plus bubble sa enhanced community quarantine (ECQ) simula Lunes hanggang Abril 4, ayon sa Malacañang noong Sabado.

Sa isang televised announcement, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Pangulo ang naturang rekomendasyon dahil sa pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases na dahil umano sa presensya ng mga bagong coronavirus variants.

Nais din umano ni Duterte na paigtingin ang contact tracing at mass testing upang matukoy ang bilang ng mga taong nahawa ng Covid-19.

Ang mga taong edad 18 pababa at 65 pataas ay hindi papahintulutang makalabas, kung saan ipatutupad din ang curfew mula 6 p.m. hanggang 5 a.m. sa mga apektadong lugar.

Hindi naman required ang travel passes, ayon kay Roque.

Ang mga malls ay papahintulutang magbubukas para sa pagbebenta ng mga essential goods sa groceries at pharmacies.

Ang mga restawran naman ay pansamantalang isasara kahit mayroon itong al-fresco o outside dining set-up. Tanging take-out orders lamang ang papayagan.

LATEST

LATEST

TRENDING