100M doses ng Sinopharm Covid-19 vaccines, naipamahagi na sa buong mundo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Dalawang Covid-19 vaccines na dinivelop ng subsidiaries ng China National Pharmaceutical Group (Sinopharm) ang nakaabot na ng 100 milyong doses ng suplay sa buong mundo, pahayag ng isang Sinopharm affiliate noong Biyernes.

Higit 80 milyong doses na ng dalawang bakuna ang naipamahagi, pahayag ng China National Biotec Group Company (CNBG) sa social media.

Ayon sa Sinopharm, posible nitong maabot ang annual capacity na 1 bilyong doses sa 2021 at layunin nitong palawigin ang kapasidad sa 3 bilyong doses kada taon.

Samantala, sinabi rin ng isang Chinese vaccine maker na Sinovac Biotech noong Lunes na nakapagsuplay na ito ng 160 milyong doses ng bakuna sa 18 na mga bansa at rehiyon, kabilang ang China, kung saan higit 70 milyong doses na ang naiturok.

Ang tatlong bakuna, kasama ang ikaapat na bakuna mula sa CanSino Biologics Inc, ang inaprubahan sa China para sa general public use.

Isang panglimang bakuna naman na ginawa ng Institute of Microbiology Chinese Academy of Sciences ang pinahintulutan para sa limited emergency use.

LATEST

LATEST

TRENDING