NRC, binabalak gawing temporary isolation facilities ang mga eskwelahan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Binabalak ng mga alkalde ng Metro Manila na gamitin ang mga paaralan sa rehiyon bilang temporary isolation facilities habang umabot na sa 69% ang occupancy rate sa mga quarantine facilities sa rehiyon.

Sa isang Malacañang briefing noong Huwebes, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na dumulog siya kay Education Secretary Leonor Briones para sa posibleng paggamit ng mga paaralan bilang temporary isolation facilities sa Kalakhang Maynila.

Aniya, “Sumulat kami requesting for the schools of each LGUs baka maging temporary facilities.”

“Napakalaking bagay dahil makakatipid tayo,” dagdag pa ni Abalos.

Sumang-ayon naman umano si Briones sa kondisyon na ang mga pipiliing sites ay dapat pasok sa itinakdang standards ng Inter-Agency Task Force at dapat ihiwalay sa mga sites na inilaan bilang vaccination sites.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, As of March 24, ang temporary treatment and monitoring facilities sa Metro Manila ay nasa 69% na.

LATEST

LATEST

TRENDING