25-year franchise bill ng Dito, hinihintay na lamang ang pirma ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulo Rodrigo Duterte sa panukalang batas na inaprubahan ng Kongreso na layong bigyan ng panibagong 25-year franchise ang DITO Telecommunity.

In-adopt ng Kamara noong Huwebes ang amendments na ginawa ng Senado sa House Bill 7332. Ito ang huling sesyon bago magpatupad ng dalawang-buwang break ang Kongreso.

Ang pagsang-ayon ng dalawang sangay ng Kongreso ay nangangahulugan na hindi na kailangan ng bicameral conference committee upang pag-isahin ang nagtutunggaling probisyon.

Sa ilalim ng isang probisyong idinagdag ng Senado, ipinag-uutos sa Dito na magsumite ng ulat sa Pangulo at sa Kongreso kung may datos na ibinubunyag sa isang foreign government, o kung magkakaroon ng assistance, support, o cooperation.

“Failure to make such disclosure shall be a ground for the revocation of the franchise,” pahayag ng bill.

Ito ay bukod pa sa annual report bilang pagsunod sa alintuntinun ng panukalang batas, kasama ang regular security audits.

Ang hindi pagsusumite ng annual report sa Kongreso ay papatawan ng P1 milyong multa sa bawat working day ng noncompliance, hiwalay pa sa ibang multang ipapataw ng National Telecommunications Commission.

LATEST

LATEST

TRENDING