Roque: IATF, ‘di bubuwagin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Binigyang diin ng Ma­lacañang na hindi bubuwagin ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) bagama’t ipinapanawagan ang nasabing hakbang ng ilang senador.

Iginiit na Presidential Spokesperson Harry Roque, na tila pagbuwag sa gobyerno ang mangyayari kung bubuwagin ang IATF.

Aniya, “Kapag panahon na talaga ng eleksiyon, lahat ginagawan ng isyu – hindi natin made-deny iyan. Now, unang-una, ano ba ang IATF, eh hindi naman po ito artificial na body.”

Ayon kay Roque, ang lahat ng kalihim at pinuno ng mga ahensya ng gobyerno ay kabilang sa IATF upang magkaroon ng isang  “approach” sa laban ng bansa kontra Covid-19.

Ipinagmalaki rin ng opisyal na wala aniyang makakapantay sa human capital ng IATF at ang ranking ng Pilipinas sa buong mundo sa laban kontra pandemiya ay patunay umano na hindi palpak ang naturang task force.

LATEST

LATEST

TRENDING