DOH, ‘di natuwa sa mga alkaldeng nagpabakuna vs. Covid-19 kahit wala sa priority list

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Hindi nagustuhan ng Department of Health (DOH) ang dumaraming bilang ng mga opisyal ng pamahalaan na nagpabakuna kontra Covid-19 bagama’t hindi kabilang sa priority list.

Umalingawngaw online sina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at Minglanilla City Mayor Elanito Peña na nagpabakuna laban sa Covid-19 ngayong linggo kahit hindi health worker o senior citizen.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Martes na posibleng maapektuhan ng naturang paglabag ang mga darating na suplay ng bakuna sa hinaharap.

“The DOH further reiterates the plea of the President and calls on officials in the government to await their turns and follow the approved prioritization framework being employed by the national government,” giit ni Vergeire.

“Giving the vaccines to non-[healthcare workers] when not all HCWs have been vaccinated will jeopardize succeeding doses from COVAX,” dagdag pa nito.

Nagpahayag naman ng depensa si Romualdez at idiniing ginawa niya ang pagpapabakuna upang “mapataas ang tiwala ng publiko sa bakuna.”

LATEST

LATEST

TRENDING