Duterte: Perang pambili ng Covid-19 vaccines, nasa bangko pa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF) na nasa bangko pa ang mga pondong inilaan para sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19.

Ito ang naging sagot ng Pangulo matapos tanungin nina Sen.Panfilo Lacson at Sen. Risa Hontiveros kung bakit mabagal ang delivery ng mga bakuna sa Pilipinas bagama’t bilyun-bilyong pondo ang inutang ng pamahalaan para sa pagbili ng mga ito.

Ayon sa Pangulo, wala sa kamay ng gobyerno ang “cold cash” sapagkat nasa bangkong nagpautang pa ito.

Aniya, “Ang buong akala nila ‘yung pera na bilyon na ibigay nila sa Kongreso, nandiyan na sa kamay natin na it’s cold cash.”

“Nasaan na yung pera? Sinasabi na natin time and again, that the money is still with the lending banks,” dagdag pa ni Duterte.

Sinigurado naman ng Pangulo na walang nagagalaw kahit sentimo sa naturang pondo at ang mga dumating na bakuna sa bansa ay puro donasyon lamang.

Hindi rin umano magkakaroon ng katiwalian sapagkat ang pera ay ididiretso sa mga gumawa ng bakuna.

LATEST

LATEST

TRENDING