UK, South African Covid-19 variants, kalat na sa NCR ayon sa DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Laganap na sa lahat ng lokalidad ng Metro Manila ang mas nakahahawang United Kingdom at South African Covid-19 variants.

“Talagang nakita na natin itong mga variants nasa lahat na ng cities dito sa atin sa Metro Manila. Meron na tayo either the UK variant or the South African variant,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa 150 Covid-19 samples na positibo sa mga nasabing variants, karamihan sa mga ito ang nanggaling sa Metro Manila. 46 UK variants at 62 South African variants ang bilang ng mga bagong kasong naitala.

Posible namang umakyat nang 28 beses ang bilang ng mga bagong kaso sa rehiyon kung magiging dominante ang mga bagong variants kumpara sa orihinal na virus.

Ayon kay Vergeire, may kinalaman umano sa pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases sa Metro Manila ang pagdating ng mga naturang variants.

LATEST

LATEST

TRENDING