Staycation, puwede pa rin sa ‘NCR plus’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Bagama’t hinihikayat ng pamahalaan ang mga Pilipino na huwag munang lumabas ng tahanan kung hindi naman kinakailangan, sinabi ng Malacañang noong Lunes na pinapahintulutan pa rin ang staycation sa mga lugar na pasok sa loob ng “NCR plus bubble” na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

Gayunpaman, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang papayagan lamang na mag-staycation ay ang mga mamamayang 18-65 anyos.

Ang staycations ay pinapayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF)  Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang makatulong sa muling pagbubukas ng ekonomiya.

.

LATEST

LATEST

TRENDING