Sen. Marcos, ipinabubuwag ang IATF dahil sa ‘kapalpakan’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senadora Imee Marcos

Kung si Senadora Imee Marcos ang tatanungin, naging palpak umano ang Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang nangunguna sa Covid-19 response sa bansa kaya dapat na itong buwagin.

Dismayado ang mambabatas dahil sa umano’y pabagu-bago at palpak na mga regulasyon ng IATF kung saan “back to square one” pa rin umano ang laban ng Pilipinas kontra Covid-19, habang ang ibang mga bansa ay patuloy nang bumubuti ang kalagayan.

Idiniin din ng senadora na walang mangyayaring pag-usad sa iba’t-ibang lockdown na umiiral kung hindi magpapatupad ng epektibong mass testing, contact tracing, at kung mananatiling kulang ang suplay ng bakuna.

Bukod sa pagbuwag sa IATF, nararapat din aniyang palitan ang mga namumuno laban sa pandemiya at dapat ilagay ang mga dalubhasa sa kalusugan kalapit ng mga ito.

LATEST

LATEST

TRENDING