Checkpoints, inilatag sa mga boundary ng Metro Manila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Mas naging mahigpit ang itinayong mga checkpoints noong Marso 22 sa iba’t-ibang lugar sa pag-iral ng mas mahigpit na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at apat na kalapit na lalawigan.

Idiniin ng Philippine National Police (PNP) na hindi na papahintulutan ang sinumang nagnanais na lumabas at pumasok sa Kalakhang Maynila alinsunod sa konteksto ng bubble requirement ng pamahalaan.

Sa ngayon, ang mga pinapahintulutang pumasok ng Metro Manila ay mga essential workers lamang o autho­rized persons outside residence (APOR), kung saan kasama rito ang kasama na delivery ng goods at services.

Ang mga hindi essential workers ay hindi papayagang makapasok ng Metro Manila.

Tanging essential travel lamang ang papahintulutan para sa mga nagnanais bumiyahe sa probinsya alinsunod sa LGU arrival requirement.

LATEST

LATEST

TRENDING