Robredo, hinikayat ang IATF na i-standardize ang desisyon sa quarantine at bilisan ang vaccination

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Isang taon simula nang ipatupad ang lockdown sa bansa kasabay nang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases, kinakailangan pa umanong tugunan ng pamahalaan ang targets nito sa vaccine rollout at i-standardize ang mga kapasyahan sa quarantine, giit ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Linggo.

Sa kanyang radio show na Biserbisyong Leni sa RMN DZXL, hinikayat ni Robredo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na taasan ang daily vaccinations nito sa higit 256,000 kada araw upang tumama sa layunin nitong mabakunahan ang mayorya ng mga Pilipino sa pagtatapos ng taon.

“Hindi nga supply lang yung problema. Malaking problema ‘yung rollout, deployment. Parang sirang plaka na tayo dito. Habang wala pang bakuna, paghandaan na natin yung deployment para pagdating niya, mabilis madedeploy,” sabi ni Robredo.

“Kung meron pa tayong 286 days para ma-achieve ‘yung target natin, dapat makapagbakuna tayo ng 256,993 na tao everyday. Hindi natin ma-a-achieve kung hindi natin i-improve kung ano ang meron tayo ngayon,” said Robredo, referring to the government’s 70 million vaccination target by year-end. “Nag-aaverage lang tayo ng 15,000 doses a day,” dagdag pa ni Robredo.

Kinakailangan din umanong paluwagin ang “stringent” requirements sa pribadong sektor na magpopondo ng kanilang immunization program sa bansa upang mapabilis ang vaccine rollout.

Nanawagan din ang Bise-Presidente sa IATF na gumawa ito ng standardized set ng quarantine declarations base sa espesipikong bilang ng Covid-19 cases at tiyaking ipatutupad ang mass testing at contact tracing.

Aniya, “Pati yung mga quarantine natin, dapat sana science yung nagdidikta, hindi ‘yung kung ano lang ‘yung napag-usapan. Dapat kung ganito yung kaso, ganito yung phase.”

“Tama ‘yung lockdown pero magiging tama lang ‘yung lockdown kung after ng lockdown, test, isolate, trace tsaka treat. Ang tanong ko lang ginagawa ba natin iyon?” dagdag pa nito. 

Ayon sa OCTA Research group noong Sabado, posibleng maabot ang 100% capacity ng mga intensive care units sa mga ospital sa Metro Manila kung hindi magpapatupad ng hakbang ang pamahalaan para masugpo ang Covid-19 cases.

Noong Marso 20, naitala ang pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases na naitala sa isang araw na aabot sa halos 8,000.

LATEST

LATEST

TRENDING