Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, balik-GCQ hanggang Abril 4

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Maria Tan (AFP)

Mas maraming lugar ang isasailalim sa striktong general community quarantine (GCQ) upang mapigilan ang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

Inanunsyo noong Linggo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ay isasailalim sa striktong GCQ habang patuloy ang pagsipa sa bilang ng mga kaso. Iiral ang GCQ mula Marso 22 hanggang Abril 4.

Mananatili naman sa GCQ ang Metro Manila.

Pansalamantalang ipagbabawal muna ang mass gatherings pati na rin ang malaking religious gatherings.

Noong Marso 20, naitala ang pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases na naitala sa isang araw na aabot sa halos 8,000.

LATEST

LATEST

TRENDING