Bagong surge ng Covid-19 cases, ‘mahirap pabagalin’ ayon sa OCTA Research

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Veejay Villafranca (Bloomberg)

Inihayag ni OCTA Research fellow Prof. Guido David na ang kamakailang pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases ay mas naging mabilis sa inaasahang projections ng kanilang grupo.

“Alam natin umeepekto ‘yung mga localized lockdowns pero ngayon kasi ang momentum nasa pandemic. Kasi sobrang bilis, medyo mahirap pabagalin ito. That’s the reality,” ani David.

Noong Sabado, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng halos 8,000 na mga bagong kaso kung saan ito na ang pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases na naitala sa isang araw.

Nagbabala si David na posibleng umabot sa 10,000 cases kada araw ang abutin sa dulo ng buwan, kung saan 6,000 ang mula sa Metro Manila. Ayon kay propesor, pinakamataas ang bagong mga kaso sa National Capital Region noong Biyernes sa halos 4,000 cases.

Idiniin naman ni David ang kanyang mungkahi na bigyan ng prayoridad ang NCR sa vaccination efforts ng pamahalaan.

Aniya, “We made projections pero [but] this is even faster than the projections na ginawa namin.”

Unang ipinag-utos ng gobyerno ang pansamantalang pagpapasara ng mga negosyo at pagbabawas sa mga empleyadong pumapasok nang pisikal sa kani-kanilang mga trabaho.

Ayon kay David, habang makatutulong ang mga nasabing hakbang sa paglimita sa paggalaw ng tao, hinikayat din nito ang publiko na manatili muna sa tahanan.

“Ang recommendation namin sa mga tao na pwede magpersonal quarantine, ‘yung mga hindi kailangan lumabas bawasan ang paglabas nila,” sabi ni David.

Nagbabala rin ang mga dating kalihim ng DOH na sina Esperenza Cabral, Janette Garin, at Paulyn Ubial na inaasahan pa ang paglobo sa bilang ng kaso, kung saan kinakailangang paigtingin ang testing at contact tracing.

LATEST

LATEST

TRENDING