Duterte, ipinag-utos na gawing first shot ang lahat ng AstraZeneca doses sa bansa para sa health workers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit sa lahat ng suplay na 525,600 doses ng AstraZeneca Covid-19 vaccines sa bansa para sa mga health workers.

Inirekomenda nitong linggo ni Health Secretary Francisco Duque III ang paggamit sa lahat ng doses bilang first short sa halip na isantabi ang ilan sa mga ito para sa ikalawang shot.

Ang agwat ng pagbabakuna para sa ikalawang dose ng AstraZeneca ay tatlong buwan. Nangangahulugan itong may sapat na oras ang bansa upang makapagkalap ng panibagong shipment ng AstraZeneca doses mula sa COVAX facility para sa ikalawang shot, pahayag ni Duque kay Duterte noong Lunes.

“The President has approved the request to utilize all COVAX-donated AstraZeneca vaccine doses as first-dose vaccination in order to protect a larger number of frontline healthcare workers in areas witnessing increased transmission,” sabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Maghahain umano ng memorandum hinggil sa nasabing hakbang si Executive Secretary Salvador Medialdea, dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING