Palasyo, iginiit na Covid-19 at hindi ang Sinovac vaccine ang ikinamatay ng isang health worker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Iginiit ng Malacañang na hindi ang itinurok na bakuna kontra Covid-19 ang ikinasawi ng isang health worker kundi dahil mayroon na itong Covid-19, paliwanag ng Malacañang noong Huwebes.

“Lumabas kahapon sa balita ang tungkol sa isang healthcare worker na namatay pagkatapos mabakunahan. Nakikiramay po kami sa healthcare worker na ito. Pero namatay po iyong ating healthcare worker dahil po sa COVID-19,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kinumpirma rin ito ni Dr. Rommel Lobo ng Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology o PSAAI at miyembro ng National Adverse Event Following Immunization Committee, na ang pagkakaroon ng Covid-19 ang ikinamatay ng naturang health worker.

Inihayag din ni Lobo na kinakailangang magsumite ng sinumang binakunahan ng health declaration upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Aniya, “At that health declaration form, nakita po natin ang declaration lang niya ay mayroon siyang comorbidities – may diabetes, mayroon po siyang hypertension na controlled, at the same time, mayroon po siyang bronchial asthma na controlled din po, naka-maintenance siya.”

Ipinaliwanag ni Lobo na matapos mabakunahan ang nasawing health worker, nagkaroon ito ng ubo na isinisi umano sa allergy. Nagkaroon din ito ng rashes at sumama ang lagay ng kalusugan subalit tumanggi itong magpa-admit sa ospital.

Nagpa-admit ang nasawing pasyente kinalaunan at saka nalamang may Covid-19 matapos itong sumailalim sa swab testing.

LATEST

LATEST