Gobyerno, pribadong sektor pumirma ng kasunduan para sa 20M doses ng Moderna vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pumirma ang pamahalaan at pribadong sektor sa pangunguna ng negosyanteng si Enrique Razon noong Huwebes ng kasunduan para sa pagbili ng nasa 20 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines, ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez.

Sa ilalim ng tripartite agreement, nakapagtiyak ang pamahalaan ng 13 milyong doses ng bakuna, habang nag-order naman ang pribadong sektor ng 7 milyon para sa mga frontliners nito.

“With the signing of this tripartite agreement, we can say that our bayanihan spirit is truly alive,” ani Galvez.

“This is part of our goal to vaccinate 70 million of our adult population and recover the economy from the pandemic,” dagdag pa nito.

Ayon kay Galvez, nag-umpisa ang negosasyon sa pagkalap ng Moderna vaccines noong nakaraang taon.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi naman ng International Container Terminal Services Inc ni Razon na: “We are honored to be part of this enormous and noble endeavor to help our people recover from the impact of the pandemic and to catalyze a return to growth for our nation.”

LATEST

LATEST

TRENDING