Roque: Duterte, ‘di kailangan ang revolutionary gov’t

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi nangangailangan ng revoluntionary government si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacañang noong Martes bilang pagtugon sa inihaing panukala ng isang organisasyong nagsusulong ng pederalismo.

“The President po is the de jure constitutional government at hindi niya kinakailangan ng revolutionary government,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Isinumite ng grupong People’s National Coalition for Revolutionary Government Towards Federalism sa Malacañang ang nasabing panukala ngayong buwan.

Ayon sa liham ng grupo sa Pangulo, “overwhelming and very popular” umano ang pagsuporta ng mga tao sa kanilang panawagan lalo na ang mga sektor na nasa laylayan.

Umaasa aniya ang mga ito na ang mga kapangyarihang maibibigay sa Pangulo sa pamamagitan ng revolutionary government ay makapagdudulot ng “socio-economic well-being, and federalism for their political advancement.”

Tiniyak naman ni Roque na tuloy ang halalan sa susunod na taon at siguradong magkakaroon ng panibagong Presidente ang Pilipinas sa Hunyo 2022.

LATEST

LATEST

TRENDING