P100,000 multa para sa nuisance candidates, pasado sa House panel

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan noong Martes sa isang komite ng Kamara ang panukalang layong pagmultahin nang P100,000 ang mga nuisance candidates o panggulo sa halalan.

Batay sa inihaing House Bill 91 ni Samar First District Rep. Edgar Mary Sarmiento, tila mga kabuteng nagsisilabasan ang mga naturang kandidato sa pagsapit ng eleksyon.

Dahil dito, tila nagiging biro at katatawanan lamang ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec).

“It’s not something that will be made as a joke… that’s the intention really of this bill,” giit ng kongresista.

Ipinag-uutos ng nasabing panukala sa Comelec na singilin bilang multa ang nuisance candidates nang hindi bababa sa P100,000.

LATEST

LATEST

TRENDING