Gobyerno, gustong pabakunahan ang senior citizens vs. Covid-19 gamit ang Sinovac

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Binabalak ng pamahalaan ang paggamit ng Sinovac Covid-19 vaccine sa mga senior citizens sa susunod na buwan, pahayag ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Miyerkules.

Ito ay sa kabila ng inilabas na rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA) na paglilimita sa paggamit ng Sinovac para sa mga edad 18 hanggang 59 anyos lamang.

“Kasi nakita natin ‘yung Sinovac, very limited po ‘yung side effect,” ani Galvez.

“At the same time, walang gaanong wastage ‘yung Sinovac,” dagdag pa ng opisyal.

Tinatayang nasa 4 milyong senior citizens ang kasalukuyang nasa masterlist ng gobyerno para sa pagbabakuna, subalit sinabi ni Galvez na posible pa itong tumaas sa 9 milyon.

Samantala, tinitingnan din ng Pilipinas ang posibilidad ng paggawa ng sarili nitong bakuna. Kasalukuyan itong nakikipagpulong sa Serum Institute of India.

“Gusto nila tulungan tayo na makapag-produce ng sarili nating bakuna,” sabi ni Galvez.

“Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng istratehiya ng pamahalaan na magkaroon ng stable and reliable source ng anti-COVID vaccines. Iyong stratehiya po na gagawin natin with SII, disease elimination by 2022,” paliwanag nito.

LATEST

LATEST

TRENDING