Duterte, naubo sa talumpati, pabirong sinabi na ‘baka cancer’ ito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes matapos umubo sa gitna ng kanyang talumpati, habang pabirong sinabi na baka dahil ito sa “cancer”.

“Pasensya na kayo. I don’t know, but ‘yung pag-ubo ko, progressive. Baka cancer, ang p…,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa isinagawang joint meeting ng National Task Force and Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Tacloban City.

Natawa naman ang audience matapos ang biro ng Pangulo.

Dahil may edad na si Duterte, naging usap-usapan ang estado ng kanyang kalusugan simula nang umupo bilang Pangulo, kung saan naghain ng petisyon ang isang abogado sa Korte Suprema upang ilabas ang medical records ni Duterte.

Noong Agosto 2020, ibinunyag naman ng Pangulo na palala na ang kanyang Barrett’s esophagus, kung saan inabisuhan umano siya ng kanyang doktor na maging maingat sa pagkain sapagkat posible itong mauwi sa stage 1 cancer.

LATEST

LATEST

TRENDING