DA, inirekomenda sa Palasyo ang pagdedeklara ng state of emergency dahil sa ASF

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagsumite ng draft ang Department of Agriculture (DA) sa Malacañang para sa pagdedeklara ng state of national emergency, habang patuloy na naaapektuhan ang suplay ng baboy sa bansa bunsod ng African Swine fever (ASF).

Sa isang memorandum na may petsang Marso 17, iginiit ng ahensya na ang nasabing deklarasyon ay mag-uudyok sa mga ahensya, pati ang local government units na magtulungan upang sugpuin ang paglaganap ng ASF.

Ito ay matapos magpasa ng resolusyon ang mga miyembro ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform na layong himukin ang DA na ilabas ang naturang rekomendasyon.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakasaad sa rekomendasyon ang paglalaan ng P1 bilyong contingency fund para sa indemnification at hog repopulation para sa mga apektadong ASF-farmers.

Kasama na rin dito ang awtoridad na i-realign ang badyet ng ahensya upang tugunan ang mga isyu sa ASF.

LATEST

LATEST

TRENDING