AstraZenca, tiniyak sa PH na ligtas ng bakuna nito matapos ang mga ulat tungkol sa blood clots

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tiniyak ng AstraZeneca sa Pilipinas na ligtas ang Covid-19 vaccine nito matapos ipahinto ng ilang bansa sa Europa ang kanilang AstraZeneca vaccinations dahil sa umano’y blood clots, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo noong Huwebes.

“We had a meeting last night and the findings really are that the blood clotting events are similar to what would happen in a normal population without the vaccine or in populations that are vaccinated even with other brands,” paliwanag ni Domingo.

Nitong weekend, naglabas ng pahayag ang AstraZeneca tungkol sa isyu kung saan sinabi nitong pagkatapos ng “maingat” na pagre-review sa higit 17 milyong nabakunahan sa Europa at Britanya, “walang ebidensya” umano hinggil sa pagtaas ng clots.

Noong nakaraang linggo, sinuspinde ng Denmark ang paggamit ng AstraZeneca vaccines, dahil sa umano’y blod clot na nararanasan ng mga taong nakatatanggap nito, kung saan isa aniya ang nasawi. Sumunod sa yapak ng Denmark ang Norway kung saan nakapagtala ito ng apat na kaso ng blood clots.

Gayunpaman, nananatili ang paggamit ng Pilipinas sa AstraZeneca vaccine, alinsunod sa abiso ng World Health Organization (WHO).

Dumating sa bansa kamakailan ang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines sa pamamagitan ng global initiative ng WHO na COVAX.

Sinabi naman ni WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na darating sa Pilipinas ang 4.5 karagdagang doses ng AstraZeneca sa Abril o Mayo.

LATEST

LATEST

TRENDING