
Tinanggihan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagsasapubliko ng kanyang Covid-19 test result sapagkat hindi umano ito mahalaga, bagama’t may mga nagre-request para rito.
“Bakit naman gusto nilang makita? I don’t understand that but let me see if I have it. Hindi ko maintindihan why I have to show it actually,” ani Roque noong Martes.
“I don’t think it’s important.” dagdag pa ng opisyal.
Ibinunyag ni Roque noong Lunes na nagpositibo siya sa Covid-19, parehong araw kung saan dapat dadalo sana siya sa isang pagpupulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasalukuyang naka-quarantine si Roque sa isang Oplan Kalinga isolation facility.