Palasyo, iginiit na mas naging maayos ang estado ng PH kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Isang taon mula nang unang ipatupad ang community quarantine upang masugpo ang Covid-19 pandemic, marami ang bumabatikos sa pamahalaan dahil tila wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ng bansa matapos ibalik ang curfew at iba pang paghihigpit ng local government units (LGUs).

Subalit, pinabulaanan ito ng Malacañang at iginiit na mas dumami na ang pasilidad ng bansa upang gamutin ang mga nahawa sa nakamamatay na Covid-19.

“We are not back to square one kasi po we have better facilities, we have more clinical bed capacity, we have more ward bed capacities, we have prepared the health care capacity para nga po gamutin iyong mas maraming mga magkakasakit,” diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Samantala, sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez na darating sa bansa ang karagdagang 400,000 doses ng Sinovac vaccine mula China bago magtapos ang Marso. Ito ay bukod pa sa 1 milyong doses ng Sinovac na bibilhin naman ng pamahalaan.

Inaasahan din ang pagdating ng 900,000 na karagdagang doses ng AstraZeneca vaccines galing sa COVAX facility.

Sapat na umano ang mga ito upang mabakunahan ang mga medical frontliners sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING