Pagsabi ni Duterte na ‘maliit na bagay’ ang Covid-19, ‘di nagustuhan ng ilang kongresista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: King Rodriguez (Presidential Photo)

Hindi ikinatuwa ng ilang sektor ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “maliit na bagay” lamang ang Covid-19 pandemic sa buhay ng mga Pilipino.  

Sa kanyang briefing noong Linggo, sinabi ng Pangulo na “maliit na bagay” lamang ang Covid-19 habang 626,893 na ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa kung saan 12,837 na ang nasawi. Dahil dito, nag-trending sa Twitter Philippines ang hashtag na #DutertePalpak.

“I will just say to my countrymen that do not despair. Kaya natin ito COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan mas ano, mas grabe, mas mahirap,” sabi ng Pangulo.

“We are living through the worst health and economic crisis on record with the fascist military generals in charge. Nasaang planeta ba ang Pangulo?” galit na tugon naman ni Gabriela Rep. Arlene Brosas noong Martes.

“Insulto ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte sa mga namatayan at nagkasakit dahil sa COVID-19, sa milyun-milyong nawalan ng trabaho at hanapbuhay, sa libu-libong inaresto at ikinulong na mahihirap dahil umano sa paglabag sa protocols, at sa mga pamilyang kailangang tiisin ang hirap at gutom,” dagdag pa ng kongresista.

Ayon kay Brosas, nagpapakita lamang ito na hindi alam ng Pangulo ang tunay na estado ng mga mamamayan isang taon matapos ipatupad ang lockdown.

“Ang kailangan ng mamamayan ay mass testing, mabisang contact tracing, sapat na ayuda, epektibo at episyenteng vaccine roll-out. Kailangan na rin ng mga guro at mag-aaral ng konkretong plano para sa ligtas na balik-eskwela sa lalong madaling panahon,” giit naman ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France Castro.

Naging kulelat ang Pilipinas sa ASEAN sa pag-arangkada ng Covid-19 vaccination program, habang trilyong piso umano ang inutang ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING