Mga menor de edad sa NCR, bawal lumabas: MMDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
MMDA Chairman Benhur Abalos

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Martes na tanging mga edad 18 hanggang 65 lamang ang mapahihintulutang makalabas ng kani-kanilang mga tahanan bunsod ng pagsipa sa bilang na Covid-19 cases.

Ayon sa MMDA, kasalukuyang gumagawa ang Metro Manila Council (MMC) ng isang resolusyon na layong pagbawalan ang mga menor de edad na makalabas ng kani-kanilang mga bahay.

Ang nasabing kautusan ay ipatutupad sa lahat ng local government units (LGUs) sa loob ng National Capital Region (NCR).

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na napagkasunduan ito ng mga alkalde ng Metro Manila.

Ipinaliwanag din ng opisyal na kinakailangan nilang maghigpit upang mapigilan ang malaking pagtaas sa Covid-19 cases.

LATEST

LATEST

TRENDING