Mga bumoto ng “No” sa panukalang hatiin sa tatlo ang Palawan, wagi sa plebesito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
El Nido, Palawan

Idineklara ng Board of Canvassers ng Palawan plebiscite na “no” ang nanalong boto sa panukalang hatiin sa tatlo ang lalawigan.

Noong Martes, sinang-ayunan ng board ang mosyon ng oposisyon na tapusin ang canvassing ng mga boto matapos bilangan ang resulta ng 22 mula sa 23 munisipalidad, kung saan naging lamang na ang “No” vote. Sinuportahan din ang naturang mosyon ng mga nag-“Yes”.

As of 5 p.m.  noong Marso 16, 172,304 ang mga bumoto ng “No” o tutol sa paghahati ng lalawigan, habang 122,223 naman ang bumoto ng “Yes” o pabor sa panukala.

Mula sa 490,254 registered voters, 297,728 lamang ang bumoto sa plebesito noong Marso 13, o katumbas sa 60% na voter turnout, ayon sa board.

Noong Abril 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na layong hatiin sa tatlong lalawigan ang isla ng Palawan: Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.

LATEST

LATEST

TRENDING