Health workers, pinababawi ang curfew sa Metro Manila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tutol ang mga health workers sa pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila sapagkat mas papataasin lamang aniya nito ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

Ayon kay Dr. Tony Dans ng Health Professionals Alliance Against Covid-19, dapat bawiin ng pamahalaan ang naturang kautusan sapagkat mapipilitan umano ang mga tao na magtrabaho sa limitadong oras, kung saan posibleng magsiksikan ang mga ito sa kalye at opisina.

“Curfew has bad effects because it limits the number of hours people can travel to and from work. How can we allow people to distance with curfew hours limiting their travel time? We should broaden time for work hours, not narrow it,” giit ni Dans.

Ayon naman kay Dr. Aileen Espina, dapat magpatupad na lang sa halip ang mga kumpanya at iba pang negosyo ng work from home setup at ayusin ang bentilasyon sa mga lugar ng pinagtatrabahuhan upang makatulong sa pagsugpo sa Covid-19.

Makatutulong din aniya ang pagdaragdag ng mas maraming bike lanes para sa open space na biyahe. Huwag na rin muna umanong magtungo sa mga enclosed na kainan.

Noong Lunes, ipinatupad ng mga alkalde ng Metro Manila ang 10 P.M. hanggang 5 P.M. na curfew hanggang Marso 31.

LATEST

LATEST