Covid-19 cases sa bansa, posibleng pumalo nang 20,000 sa gitna ng Abril: OCTA Research

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Roy Domingo (BusinessMirror)

Posibleng magpatuloy ang pagtaas sa bilang ng Covid-19 cases sa bansa hanggang sa gitna ng Abril, kung hindi magbabago ang upward trend ng mga kaso, pahayag ni OCTA Research Fellow Guido David.

Mula sa initial projection na 8,000 cases, sinabi ni David na maaari itong umabot nang 11,000 sa dulo ng buwan. Ito ay dahil nasa 2.03 na ang reproduction rate kung saan puwedeng makapanghawa pa ng dalawa katao ang isang Covid-19 patient.

Aniya, “Dati mas mababa ang reproduction number, ang projection natin was 8,000. Pero ngayon nasa 11,000 per day sa buong Pilipinas at the end of March.”

Kung hindi matutugunan, nagbabala si David na posibleng pumalo sa 20,000 ang arawang bilang ng kaso sa gitna ng Abril. Ito ay mas mataas sa unang projection ng grupo na 17,000 hanggang 18,000.

Noong Martes, umabot na sa 631,320 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa matapos makapagtala ng 4,437 na mga panibagong kaso.

Sinisi naman ng mga awtoridad ang publiko dahil sa pagiging kumpiyansa umano ng mga ito sa pagsunod sa health protocols.

Unang sinabi naman ng OCTA na ang pagsipa sa mga kaso ay dahil sa pagpasok ng mga bagong Covid-19 variants.

LATEST

LATEST

TRENDING